Ang Pangulo ko ay gagamitan ko ng puso at isip

Palapit na ng palapit ang eleksyon, nag uumigting at nagkukumahog na sa pangangampanya ang mga kandidato partikular na ang mga Presedentiables.
Makikita sa kanila ang eagerness na maging susunod na pangulo ng bansa. Nakakahanga ang kanilang determinasyon na maging lider ng ating bayan.
Kahit pa nga yung isa ay ilang beses ng tumakbo pagka pangulo at hindi naman pinapalad ay wala pa ding kadaladala, at
Kahit pa nga nakikipaglaban sa kanyang sakit ay di pa din sya nagko concede.
Yung isa naman mahahalata mo talagang may ambisyon din naman, kahit pa humantong sa korte ang issue ng kanyang pagiging American citizen ay talagang pilit nyang ipinaglalaban ang kanyang karapatan para makapaglingkod lang sa bayan.
Yung isa naman ay nagtyaga, nagumpisa muna sa posisyong mababa,ngunit ng
pinalad at nakalusot sa vice presidential race ay inambisyon na ang mas mataas pang pwesto sa gobyerno. Meron naman urong-sulong pa nung umpisa pero kalaunan ay pumayag na din, pero marahil ang totoo ay nag aambisyon ding maging Pangulo. At yung isa pa na matagal na ring nag ambisyon maging Pangulo,nag give way lang muna sya sa bestfriend nya, at ngayon ay tila wala na talagang makakapigil sa kanya..
Ganyan sila ka determinado magkaroon ng kapangyarihan at maglingkod daw sa bansang ito.

Subalit ang mga pulitiko halos pare-pareho lang ang mga iyan, siraan ng siraan,batikusan ng batikusan,pagalingan ng pagalingan..

Ang mga pulitiko mahusay manligaw o manuyo sa mga tao, Halos parepareho sila ng style sa panunuyo.. Hindi sila napapagod ngumiti sa mga tao, pinipilit nilang huwag mangawit sa pakikipagkamay o pakikipag shake hands sa bawat nakakasalubong at sinasalubong nila. May mga nagpapapiktyur sa mga gustong makasama sila sa picture. May kumakarga sa mga bata, may mga yumayakap sa matatanda na para bang concern na concern talaga sya.. May nakikisalong kumain ng nakakamay sa mga lugar na pinupuntahan nila na kadalasan ang pinipiling kasalo ay yung mga ordinaryong tao. May ibang kandidato naman na may bukod na style maliban sa aking mga nabanggit, may namumudmod ng pera at mga give aways, may humahalik lips to lips sa babae at kung ano-ano pang mga istilo nila.

Sa kanilang panunuyo ay di alintana ang hirap, sakripisyo, pagod at milyon milyong gastos na kahit di pa nga campaign period ay lipana na ang kanilang mga ads sa print, tv, at radyo.

Ang kanilang mga sinusuyo kadalasan at majority ay mga mahihirap. Bidang bida sa kanila yung mga magsasaka, mangingisda, yung mga wala daw pagkain sa hapag, bida din yung mga hindi daw nakakapag aral etcetera, etcetera.
Ang daming platapormang inihahain ng bawat kumakandidato. Papogian at pagalantehan sa mga nililigawang Juan dela Cruz. Patamisan at pabulaklakan ng mga sinasabi sa kanilang nililigawan upang makamit lang ang “OO”na inaasam.

Ngunit ang masaklap na katotohanan, pagkatapos na masungkit ang botong inaasam ng pinalad na nanuyo at nanligaw, tila baga naman si Juan dela Cruz ay kinalimutan. Yung mga plataporma at mga pangakong binitawan ay hindi naman lahat nagkaroon ng katuparan. Halos walang pinagkaiba sa isang lalaking after nyang manligaw, nangako ng kung ano-ano sa babaeng kanyang niligawan. Kesyo ibibigay daw ang tala at buwan, kapag sinagot daw sya paliligayahin daw nya, hindi daw nya pahihirapan, hindi daw nya sasaktan,hindi daw nya gugutumin at kung ano-ano pang “hindi daw nya”..
Ngunit nung naging magasawa na sila, hindi nman natupad yung ipinangako nya sa niligawan nya, yung ginawa niya ay kabaligtaran sa mga ipinangako nya..

Alam na alam na natin ang style ng mga pulitiko, hindi na bago sa ating pandinig at paningin mga sinasabi at ginagawa nila. Pero hindi naman nangangahulugan na babalewain natin ang ating mga karapatan upang iluklok ang inaakala nating karapatdapat magwagi bilang Lider ng ating bayan.
Maingat tayong magsuri, pairalin ang puso at isip, hindi komo maganda ang hinahaing plataporma ay mahahalina ka na..
Suriing maigi ang  kandidato, baka ito ba ay naiimpluwensyahan ng lider ng relihiyon, kung ito ba ay nakikipag kompromiso na magkakaroon ng mga pwesto sa gobyerno ang nilapitan nyang relihiyon kapalit ng pangakong bloc voting.

Kapag nakita natin na ang kandidato ay nakipag kompromiso sa mga masasamang iglesia o relihiyon tiyak na tiyak yung mga platapormang ipinangako nya ay hinding hindi magkakaroon ng katuparan.
Ang mga krimen at korapsyon hindi na mawawala yan dahil nasa biblia yan..

1 Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. 2 Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, 4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; 5 Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
(2Tim 3:1-5)

Kaya kahit sino pa ang manalo ay hindi na aasenso at titino ang ating bayan.

Ngunit kung ibig nating mabuhay pa din ng payapa at matiwasay sa isang bansang talamak na ang kaguluhan, pwes wag tayong boboto sa kandidatong tutupi At u-oo lang ng u-oo sa iglesiang maimpluwensya at masama..
Ika nga ni brother Eli: “If we want a clean and honest government, let us not vote for candidates that fear religious leaders but God”

image

Delikado talaga pag ang kandidato yuko ang ulo sa religious leader, dapat ang piliin yung takot sa Dios hindi sa tao.

Sa lahat ng makakabasa nito na kapwa ko Pilipino, botante man o hindi baka pwedeng maglambing sa inyo, sa May 9 pakisali nyo po sa balota nyo #100BHPartylist

image

At kung hindi ka pa botante pakibalita naman sa mga kakilala nyo ang partylist na ito. If you want to know more about BH Partylist, just visit
https://m.facebook.com/bagonghenerasyonofficial/

Kasihan nawa tayo ng Poong Maykapal..God bless Philippines! May the best candidate win!

About admin